MASS HOUSE BLESSING AT TURN-OVER SA FCA

And Peace to All Who Enter Here

Mahigit sa 40 na bahay ang sabay-sabay na benindisyunan nina Msgr. Mercado ng Immaculate Conception Parish Church, at ni Father Raphieson Mutuc, Chaplain ng isang unibersidad sa Angeles City. Ayon sa mga home owners, malaking tulong daw ang pag-oorganisa ng FCA ng ganitong uri ng mga event dahil sa mas napadali para kanila ang magpa-bendisyon ng kanilang bahay. Ang pag-bebendisyon ng bahay ay isang seremonya ng mga katolikong pamilya upang protektahan ang mga naririhan sa bahay mula sa anumang kapahamakan. Nagsisimula ang seremonya sa isang dasal ng pari at susundan ng pag-bebendisyon nito ng agua-bendito sa buong kabahayan.

Welcome Home mga Ka-Fiesta!

Kasabay ng mass house blessing, ginanap din ang Turn-over Ceremony. Dito ay pormal ng inaabot ang susi ng mga humigit-kumulang dalawangpung bagong home owners. Kasama sa programa ang isang utility fair. Ito ay ang mala-exhibit ng mga business establishments na nag-ooffer ng mga serbisyo na swak sa pangangailan ng mga home owners. Linahokan ito ng mga kumpanyang nag-offer ng mga serbisyong kagaya ng cable tv, furnitures, appliances, water and electric supply, at telecommunications. Malaking tulong daw sa mga kumpanyang lumahok ang imbitasyon ng FCA sa kanila. Sa ganitong paraan daw kase ay mas napapalapit sila sa mga mamimili. Ayon naman kay Bb. May Lacson, Project Officer ng FCA, business collaboration daw ang naganap na utility fair, kumikita ang mga kumpanyang iniimbitahan, sa kabilang dako naman, mas nagiging kombinyente sa mga home owners ang ganitong exhibit dahil hindi na sila nangangailangang magpunta sa bayan para lang maka-avail ng mga serbisyo kagaya ng ino-offer ng mga lumahok.